Lunes, Hulyo 27, 2015
Si Juan Tamad
BUOD: Hinintay ni Juan na mahulog ang hinog na bayabas sa kanyang bibig kahit ito ay kanyang abot. Pinabili siya ng nanay niya ng alimango upang iulam nila.Pumunta siya sa palengke at binili agad ang pinapabili ng kanyang nanay.Nang papauwi na siya meron itong dalang supot na may lamang mga alimango.Nang may makita siyang puno ay agad siyang pumunta dito at humiga.Sinabi niya sa mga alimango na mauna na sila sa bahay upang mailuto na dahil inaantok na siya at agad na binitwan ang supot na may mga alimango at pinakawalan ang mga ito.Pagkagising niya ay agad siyang umuwi dahil gutom na siya.Nang makauwi ay agad na itinanong ng ina kung bakit ang tagal niyang umuwi.Sabi ng nanay niya kung nasaan ang mga alimango na ipinabili nito.Ang sagot ni Juan ay pinauwi niya na ito upang mailuto na.Nagalit ang kanyang ina dahil sobrang katamaran ni Juan. Ang tungkol sa palayok at ang pulgas.Inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng palayok. Nagkataon sa lugar ng kanyang pinagbilihan, ang mga tao ay pinepeste ng pulgas. Papauwi na sana siya subalit ang pulgas ay pumasok sa kanyang damit. Nahulog at nabasag ang palayok. Nalarawan niya sa kanyang isip na galit na galit ang kanyang ina kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Dinurog niya ang nabasag na palayok at inilagay sa dahon ng saging. Inilako niya ito sa taong bayan sa pagsasabing ito ay pamatay ng pulgas. Maraming bumili at umuwi si Juan ng maraming dalang salapi. Natuwa ang kanyang ina subalit kailangan pa rin niya ng palayok kaya pinabalik siya kinabukasan. Sa kanyang pagbabalik sinalubong siya ng galit na galit na mga taong bayan. Ang kanyang ibinenta ay huwad, walang nangyari ng binudburan nila ng pulbos ang mga pulgas. Subalit nagpalusot si Juan, hindi raw ganun ang tamang paggamit nito. Dapat hinuli nila ang pulgas at lagyan ang mga mata nito ng pulbos. Matapos magtawanan ang mga tao, tinakot nila si Juan na magsabi ng katotohanan. Walang magawa si Juan kung hindi magsalita. Bago pa man masaktan si Juan ng mga kalalakihan, may isang matandang babae ang nag-awat at nagsabi na palayain na lang siya. Isusumbong na lang nila si Juan sa kanyang ina at bahala na lang ang kanyang ina ang magparusa.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento