Lunes, Setyembre 28, 2015

Sabado at Linggo

Sabado maaga akong gumising dahil kami ay nasa camping na ginanap sa aming paaralan.Kami ay pumunta sa covered court upang pag-usapan ang mga nangyari noong biyernes marami ang nasayahan sa ginawang camping.Maya-maya ay pina-uwi na rin ang mga nagpartisipa sa naturang camping.Kaming mga Boy Scouts ay nag-almusal.pagkatapos ay nag-laro kami.Umuwi na ang karamihan at umuwi na rin ako.Pagkauwi ko ay saktong tanghalian na kami ay kumain.Pagkatapos ay agad akong natulog.Hapon na ng ako ay magising,lumabas ako ng bahay at naglaro.Gabi na nang ako ay umuwi.Maya-maya ay kumain na kami,pagkatapos ay natulog na ako.

Linggo maaga akong nagising,tumayo na ako sa aming higaan at niligpit ito.Pagkatapos ay nag-almusal na kami.Pagkatapos mag-almusal ay lumabas ako ng bahay at naglaro ng basketbol.Tanghali na at tinatawag na ako dahil kakain na.Kumain na kami at pagkatapos ay naligo upang maghanda ddahil kami ay manonood ng Heneral Luna sa sinehan.Agad akong pumunta sa sinabi nilang lugar na kami ay magkikita-kita.Umalis na kami at sumakay na ng FX.Pagkadating doon ay agad nga kaming bumili ng aming ticket para agad na makanood.Matagal pa ang palabas kaya naglibot at bumili muna kami ng makakain.Pagkabalik magsisimula na ang palabas.Seryoso kami sa aming panonood habang kinakain ang biniling mga pagkain.Pagkatapos ay agad kaming umuwi dahil meron pa kaming gagawin na takdang aralin sa iba`t-ibang asignatura.Naka-uwi na ako at agad na gumawa ng takdang aralin.Pagkatapos ay kumain na kami at natukog na.

Lunes, Setyembre 21, 2015

Pananakit sa mga Hayop

Minsan napapa-isip ako kung bakit pa ba kailan manakit ng mga hayop eh hindi naman nila tayo sinasaktan.Kung tutuusin malaki pa nga silang tulong sa atin.Kung bakit kasi talagang may mga taong manhid na hindi nila alam ang pakiramdam ng mga hayop.Palibasa kasi hindi sila yung nasasaktan dahil tulad nang hayop ay may utak at pakiramdam din sila tulad natin.Kung hindi natin sila maituring na parte ng ating pamilya edi palayain na lang natin sila.Nasasaktan natin sila sa kanilang emosyonal at pisikal at ung iba ay proud sa kanilang mga ginagawa,tuwang tuwa at inup-load pa nga Video.Buti na lamang ay inaksyonan agad ito nang gobyerno.

South Korea

Marahil isa ako sa mga gustong makapunta sa South Korea dahil sa mga napakaganda nitong mga pasyalan at mga historikal na mga lugar.kung makakapunta ako doon ang sampung gagawin ko doon ay una.



1. Pupunta ako sa Jeju Island dahil kahit sa larawan ko pa lang ito nakikita ay talagang napakaganda na nito paano pa kaya pag personal mo itong nakita.

2.Pupunta ako sa Namsan Tower upang makita ang mga padlock na kinabit ng mga nagmamahalan doon.

3.Makisalamuha sa bawat taong makakasalubong at makaka-usap.

4.Pumunta sa National Museum ng South Korea upang higit na malaman ang kanilang kultura.

5.Pagpunta sa kanilang templo upang malaman kung ano ang kanilang mga kaugalian at mga ginagawa tuwing sila ay sasamba sa kanilang mga diyos.

6.Pamamasyal sa Seoul dahil ito ang sentro ng korea at nandito rin ang mga sikat o kung tawagin ay mga    K-POP.

7.Makita ang mga K-POP tulad ng 2NE1 at EXO.

8.Umakyat ng kanilang mga matataas na mga bundok upang makita ko ang kanilang mga kikas na yaman.

9.Kumain ng kanilang mga sikat na pagkain na kilala sa buong mundo.

10.Pumunta sa kanilang mga sikat na bilihan ng mga  pasalubong upang may souvenir sa pagpunta sa Korea.

Volunteer

Noong sabado ay maaga akong gumising dahil kami ay nasa camping.Upang tumulong sa mga kukuha ng board of review para sa rangong Venturer sa SENIOR SCOUTS.Kami ay nag-almusal at umalis na sa room ang iba upang sumama sa mga aktibidad sa Camping.Kami ay naglinis at pagkatapos ay nagpahinga na kami.Tanghali ay bumalik sila upang kumain ng tanghalian at agad ding bumalik.Naghugas at naglinis ulit kami.Gabi na nang muli silang bumalik gumawa kami ng ma papeles na kinakailangan para sa kanilang Board of Review pagkatapos ay kumain na kaming mga volunteer at natulog.


Linggo ay maaga kaming gumising at nagmusal tulad noong sabado ay naglinis at naghugas kami at sila ay pumunta sa mga aktibidad.Nag-ipon kami ng tubig upang may ipangbanlaw ang mga gumapang sa putik.Tanghali na nang kami ay natapos.Umuwi na kaming mga volunteer.Pag-kauwi ko sa bahay ay agad akong gumawa ng mga takdang aralin sa ibat-ibang asignatura.Natulog ako at nang magising ako ay kakain na kami>Pagkatapos kumain ay muli na akong natulog.

Linggo, Agosto 16, 2015

Aking Ginawa sa Araw ng Sabado at Linggo

    Sabado ay alas siyete na ako nagising nag-almusal ako at lumabas ng bahay upang maglaro ng playstatiom. Pagkatapos ay bumili ako ng ulam para sa aming tanghalian at kumain nang matapos na kaming kumain ay agad kong binuksan ang TV upang manood ng Eat Bulaga. Matapos ang Eat Bulaga ay naglaro ako ng COC o Clash of Clans. Pagkatapos,ay muli akong lumabas ng bahay upang maglaro ng playstation . Pumunta kami ng simbahan upang binyagan ng anak ng aming kapitbahay. Pagka-uwi ay nagkainan na maya-maya ay ipinalabas na ang paborito kong palabas nanood ako. Nang matapos ito ay natulog ako.

   
     Linggo ay alas-diyes na ako nagising nag-almusal ako at maya-maya ay nagtanghalian na kami. Nanood ako ng bagong palabas sa Channel7 ang Sunday Pinasaya pagkatapos nito ay nag-COC na ako. Agad akong lumabas ng bahay upang maglaro ng playstation. Umuwi na ako dahil gabi na at baka galit narin si mama. Kumain kami ng hapunan at natulog na.

Linggo, Agosto 2, 2015

Sabado at Linggo

    Noong sabado ay nagising ako ng alas nwebe ng umaga. Kumain ako ng almusal at lumabas ng bahay. Nagbasketball kami ng aking mga kaibigan at pagkatapos ay umuwi ako ng bahay. Kumain kami ng tanghalian. Pagkatapos ay naglaro ako ng COC. Hapon na at lumabas ako ng bahay upang magbasketball muli. Umuwi ako ng bahay at kumain ng hapunan at natulag na ako.
   Lingoo ay alas nwebe na naman akong nagising. Nag-almusal ako at lumabas ng bahay upang maglaro ng Xbox at pagkatapos ay nagbasketball ako at umuwi upang kumain at gumawa ng mga takdang aralin at lumabas upang magbasketball. Umuwi ako ng bahay ng gabi at kumain ng hapunan at natulog na.

Martes, Hulyo 28, 2015

Dalawang Araw na Pahinga

                                                              Sabado at Linggo


                     Sabado ay alas nwebe na ako nagising at kumain na agad ako ng agahan at agad kung binuksan ang T.V upang manood ng mga anime.Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay upang maglaro ng XBOX.Umuwi na ako ng bahay pagkauwi ay nagsaing na ako at bumili ng ulam.Pagkabalik ko ay malapit ng maluto ang sinaing.Nang maluto ay agad naghain si mama at kumain na kami.Pagkatapos ay pumunta ako sa computer shop upang gumawa ng aking blog.Umuwi ako ng bahay na masaya dahil may blog na ako.Bumili na ng ulam si mama at pagkatapos maluto ay kumain at natulog na kami.             
                          
                     Linggo alas otso na ako nagising at nag-agahan na ako.Lumabas ako ng bahay upang maglaro ulit ng XBOX.Umuwi ako ng bahay at kumain ng tanghalian.Pagkatapos kumain ay nanood kami ng pelikula.Hapon na at namalengke na si mama.Ako ay lumabas ng bahay upang maglaro ng basketball.Dumating si mama at umuwi na ako.Nang matapos magluto si mama ay kumain na kami at gumawa ako ng takdang aralin sa ibat-ibang asignatura at natulog na ako.