Martes, Hulyo 28, 2015

Dalawang Araw na Pahinga

                                                              Sabado at Linggo


                     Sabado ay alas nwebe na ako nagising at kumain na agad ako ng agahan at agad kung binuksan ang T.V upang manood ng mga anime.Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay upang maglaro ng XBOX.Umuwi na ako ng bahay pagkauwi ay nagsaing na ako at bumili ng ulam.Pagkabalik ko ay malapit ng maluto ang sinaing.Nang maluto ay agad naghain si mama at kumain na kami.Pagkatapos ay pumunta ako sa computer shop upang gumawa ng aking blog.Umuwi ako ng bahay na masaya dahil may blog na ako.Bumili na ng ulam si mama at pagkatapos maluto ay kumain at natulog na kami.             
                          
                     Linggo alas otso na ako nagising at nag-agahan na ako.Lumabas ako ng bahay upang maglaro ulit ng XBOX.Umuwi ako ng bahay at kumain ng tanghalian.Pagkatapos kumain ay nanood kami ng pelikula.Hapon na at namalengke na si mama.Ako ay lumabas ng bahay upang maglaro ng basketball.Dumating si mama at umuwi na ako.Nang matapos magluto si mama ay kumain na kami at gumawa ako ng takdang aralin sa ibat-ibang asignatura at natulog na ako.

Lunes, Hulyo 27, 2015

Katangian ng Isang Kaibigan

                                                 "Katangian ng Isang Kaibigan"                                                                                             

                                Ang mga katangiang gusto ko sa isang kaibigan ay mabait,matapat,masipag,maunawain at mapagmahal.Gusto ko ng kaibigang mabait dahil para sakaling may kailangan ako sa kanya ay tutulungan o ibibigay niya ang gusto ko syempre ganun din ako sa kanya.Matapat dahil upang wala kaming tinatagong sikreto sa isat-isa.Masipag dahil gusto ko na pagbutihin niya ang pag-aaral niya at tumlong sa nga gawaing bahay.Maunawain upang maunawaan niya ako pagmeron akong nagawang mali ay mauunawaan niya ako.Mapagmahal upang matanggap niya ako ng may pagmamahal ano man nga aking itsura.

Si Juan Tamad

BUOD:                                                                                                                                                Hinintay ni Juan na mahulog ang hinog na bayabas sa kanyang bibig kahit ito ay kanyang abot.      Pinabili siya ng nanay niya ng alimango upang iulam nila.Pumunta siya sa palengke at binili agad ang pinapabili ng kanyang nanay.Nang papauwi na siya meron itong dalang supot na may lamang mga alimango.Nang may makita siyang puno ay agad siyang pumunta dito at humiga.Sinabi niya sa mga alimango na mauna na sila sa bahay upang mailuto na dahil inaantok na siya at agad na binitwan ang supot na may mga alimango at pinakawalan ang mga ito.Pagkagising niya ay agad siyang umuwi dahil gutom na siya.Nang makauwi ay agad na itinanong ng ina kung bakit ang tagal niyang umuwi.Sabi ng nanay niya kung nasaan ang mga alimango na ipinabili nito.Ang sagot ni Juan ay pinauwi niya na ito upang mailuto na.Nagalit ang kanyang ina dahil sobrang katamaran ni Juan.                                                                                                                                        Ang tungkol sa palayok at ang pulgas.Inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng palayok. Nagkataon sa lugar ng kanyang pinagbilihan, ang mga tao ay pinepeste ng pulgas. Papauwi na sana siya subalit ang pulgas ay pumasok sa kanyang damit. Nahulog at nabasag ang palayok. Nalarawan niya sa kanyang isip na galit na galit ang kanyang ina kaya kailangan niyang gumawa ng paraan. Dinurog niya ang nabasag na palayok at inilagay sa dahon ng saging. Inilako niya ito sa taong bayan sa pagsasabing ito ay pamatay ng pulgas. Maraming bumili at umuwi si Juan ng maraming dalang salapi. Natuwa ang kanyang ina subalit kailangan pa rin niya ng palayok kaya pinabalik siya kinabukasan. Sa kanyang pagbabalik sinalubong siya ng galit na galit na mga taong bayan. Ang kanyang ibinenta ay huwad, walang nangyari ng binudburan nila ng pulbos ang mga pulgas. Subalit nagpalusot si Juan, hindi raw ganun ang tamang paggamit nito. Dapat hinuli nila ang pulgas at lagyan ang mga mata nito ng pulbos. Matapos magtawanan ang mga tao, tinakot nila si Juan na magsabi ng katotohanan. Walang magawa si Juan kung hindi magsalita. Bago pa man masaktan si Juan ng mga kalalakihan, may isang matandang babae ang nag-awat at nagsabi na palayain na lang siya. Isusumbong na lang nila si Juan sa kanyang ina at bahala na lang ang kanyang ina ang magparusa.