Sabado at Linggo
Sabado ay alas nwebe na ako nagising at kumain na agad ako ng agahan at agad kung binuksan ang T.V upang manood ng mga anime.Pagkatapos ay lumabas ako ng bahay upang maglaro ng XBOX.Umuwi na ako ng bahay pagkauwi ay nagsaing na ako at bumili ng ulam.Pagkabalik ko ay malapit ng maluto ang sinaing.Nang maluto ay agad naghain si mama at kumain na kami.Pagkatapos ay pumunta ako sa computer shop upang gumawa ng aking blog.Umuwi ako ng bahay na masaya dahil may blog na ako.Bumili na ng ulam si mama at pagkatapos maluto ay kumain at natulog na kami.
Linggo alas otso na ako nagising at nag-agahan na ako.Lumabas ako ng bahay upang maglaro ulit ng XBOX.Umuwi ako ng bahay at kumain ng tanghalian.Pagkatapos kumain ay nanood kami ng pelikula.Hapon na at namalengke na si mama.Ako ay lumabas ng bahay upang maglaro ng basketball.Dumating si mama at umuwi na ako.Nang matapos magluto si mama ay kumain na kami at gumawa ako ng takdang aralin sa ibat-ibang asignatura at natulog na ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento