Sabado maaga akong gumising dahil kami ay nasa camping na ginanap sa aming paaralan.Kami ay pumunta sa covered court upang pag-usapan ang mga nangyari noong biyernes marami ang nasayahan sa ginawang camping.Maya-maya ay pina-uwi na rin ang mga nagpartisipa sa naturang camping.Kaming mga Boy Scouts ay nag-almusal.pagkatapos ay nag-laro kami.Umuwi na ang karamihan at umuwi na rin ako.Pagkauwi ko ay saktong tanghalian na kami ay kumain.Pagkatapos ay agad akong natulog.Hapon na ng ako ay magising,lumabas ako ng bahay at naglaro.Gabi na nang ako ay umuwi.Maya-maya ay kumain na kami,pagkatapos ay natulog na ako.
Linggo maaga akong nagising,tumayo na ako sa aming higaan at niligpit ito.Pagkatapos ay nag-almusal na kami.Pagkatapos mag-almusal ay lumabas ako ng bahay at naglaro ng basketbol.Tanghali na at tinatawag na ako dahil kakain na.Kumain na kami at pagkatapos ay naligo upang maghanda ddahil kami ay manonood ng Heneral Luna sa sinehan.Agad akong pumunta sa sinabi nilang lugar na kami ay magkikita-kita.Umalis na kami at sumakay na ng FX.Pagkadating doon ay agad nga kaming bumili ng aming ticket para agad na makanood.Matagal pa ang palabas kaya naglibot at bumili muna kami ng makakain.Pagkabalik magsisimula na ang palabas.Seryoso kami sa aming panonood habang kinakain ang biniling mga pagkain.Pagkatapos ay agad kaming umuwi dahil meron pa kaming gagawin na takdang aralin sa iba`t-ibang asignatura.Naka-uwi na ako at agad na gumawa ng takdang aralin.Pagkatapos ay kumain na kami at natukog na.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento